Kontra Droga sa Cavite
- Sep 9, 2016
- 1 min read
Mga tauhan ng SWAT, Public Safety Battlion at Cavite PPO na armado ng search warrant ay pinasukan ang tatlong bahay sa Dasmarinas Cavite.
Isang runner at tatlong lalaki ang arestado nang maaktuhan sa isang kwarto na gumamagamit ng shabu. Target ng pulisya ang bahay na ito sa Brgy. Datu Ismael at si Brgy. Chairman Pangandag, pero bigo ang mga pulisya dahil hindi nila ito inabutan. Sa paghahalughog sa loob, nakita ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 100,000 piso at may nakita ring bala at baril na expired na ang lisensya ayon sa Cavite Police. Talamak at bagsakan raw ang calavar zone ang datu ismael at isa ring pinaggagalingan ng shabu ayon sa police report.
Si Brgy. Chairman daw at ang kanyang mga tauhan ang nagmamani- obra ng drug trade sa kanilang lugar. Mariing itinanggi naman ito ng kanyang mga kaanak. Ang mga suspek ay pinosasan at dinala sa Cavite Police Headquaters upang sampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act. Ayon sa Cavite Police, marami raw talaga na high profile drug personalities at isa na rito si Brgy. Capt. na involved sa iligal na droga. Mensahe ng Cavite Provincial Police kay Capt. Pangandag na sumuko na siya at kung sino raw ang may impormasyon kung saan naroroon si Pangandag ay ipagbigay alam sa mga Cavite Police officers.











Comments