Iba't-ibang programa at personalidad sa telebisyon at radyo, pinarangalan sa COMGUILD Awards
Sa kauna-unahang pagkakataon, nag Hall of Fame ang 24 Oras sa ComGuild Awards Center for Journalism, 5 executive years na itinanghal na Best News program ang 24 oras, na masusing pinili ng ibat-ibang mga unibersidad sa bansa. Itinanghal na Best Magazine show ang Kapuso Mo Jessica Soho. Itinanghal na Best Magazine show Host si Jessica Soho. Kinilalang Best female field reporter si Mariz Umali at kinilala namang Most Outstanding Male presentor si Raffy Tima para sa GMA News program na Balitanghali, Best Lifestyle program Host si Drew Arellano at Best Lifestyle program ang Byahe ni Drew.
Samanatala, ilang kilalang programa at personalidad sa ABS-CBN ang binigyan din ng parangal. Itinanghal na Best News Program ang Bandila, Best Morning Show naman ang Umagang kay Ganda, ang Most Outstanding Female News Presenter of the Year ay si Bernadette Sebrano. Si Alvin Elchico naman ang Best Male field reporter, habang si Atom Araullo ay itinanghal na Hall of Famer bilang Best Male field reporter at Best Kiddie Personality. Best AM Radio anchor at Best Radio program si Ted Failon. Si Boy Abunda at ang Tonight with Boy Abunda, itinanghal naman na Best Educational program ang Matanglawin at ang host na si Kuya Kim Atienza, Execellency Awardee naman ang iginawad kay Charo Santos-Concio.