Dasal ng isang Pulubi
Kakambal ng buhay ang paghihirap.
Ito ay mga bagay na sumusubok sa tao kung gaano sila katatag at kung gaano kalalim ang pananampalataya natin sa Poong maykapal. May mga tao na dahil sa sobrang hirap na kanilang dinadanas kanilang tinatanong ang Poong maykapal kung bakit sa kanila pa ito nagaganap.
Kaya ang larawan na ito ng isang pulubi na halos mawalan na sa katinuan ay kukurot sa mga puso ng mga taong makakakita dito. Dahil sa kabila ng kanyang hirap at pasakit sa buhay ay nagagawa parin nyang ipagdasal at ipagpasalamat sa diyos ang lahat. Ito ay isang leksyon at inspirasyon sa atin na kahit gaano pa kahirap ang buhay ay lagi parin tayong manalig sa Diyos at huwag bibitaw sa kanya.
Nawa'y maging katulad natin siya na kaya pa rin niyang harapin ang mundo kahit puno ng hirap ang kanyang buong pagkatao. Isa itong simbolo sa lahat na bawat problema ay may solusyon. Manalig at magtiwala lamang sa Panginoon .
Hindi niya tayo iiwan at bibitawan kailanman.