top of page

U.S. Embassy, nagbigay ng mga mamahaling equipment sa PNP

  • Sep 9, 2016
  • 1 min read

Nagbigay ng mga high-tech at mga mamahaling equipment ang U.S Embassy sa Pilippine National Police. Makakatulong daw ang mga ito para punan kahit papaano ang kakulangan sa gamit ng ating pulisya laban sa terrorismo. Sa talumpati ni PNP Chief Dir. Ronald "Bato" Dela Rosa, pinuri ni U.S Embassy and Regional Officer Lon Farechild ang PNP laban sa kampanya kontra-terrorismo. Nagbiro pa si PNP Chief Dir. Ronald "Bato" Dela Rosa ukol rito, "Akala ko hindi na matutuloy ang mga donasyon gaya ng pulong ng ating pangulo at ni U.S Pres. Barack Obama". Patunay raw ito na nananatiling matatag ang relasyon ng Pilipinas at Amerika sa kabila ng maaanghang na pahayag ni Pres. Rodrigo Duterte kay Pres. Obama na nag resulta sa kanselasyon sa pulong ng ASEAN. Matatagalan raw ang imbestigasyon bago matunton ang mga suspek sa naganap na pagsabog sa Davao City nitong Biyernes lang. Nakabase raw ang grupong terrorista sa Central Mindanao, at posible raw na sila ang nasa likod ng Davao City Bombing base raw sa nakuhang palatandaan sa natagpuan sa pinasabog na IED. Tinitiyak naman ng PNP na mahigpit ang kanilang pagbabantay para sa seguridad ng publiko.

Comments


© 2016 by "This Just In". Proudly created with Wix.com

Donate with PayPal

Also Featured In

    Like what you read? Donate now and help me provide fresh news and analysis for my readers   

bottom of page