top of page

Shoot out sa Las Pinas City, nakuha sa CCTV!

  • Regie Tuliao
  • Sep 6, 2016
  • 1 min read

Isang shoot out ang naganap kahapon ng madaling araw sa Las Pinas City. Sa kuha ng isang CCTV video sa real street corner nager road, maaninag ang mga gawad ng Las Pinas Police na nagsasagawa ng checkpoint. 1:45 ng madaling araw nang may pahintuhin silang isang sasakyan na AUV, ilang saglit pa, biglang nagpulasan ang mga pulis na nakapalibot sa AUV na humarurot palayo. Nagtakbuhan ang mga pulis sa kani-kanilang mga sasakyan para tugisin ang mga suspek. Lumiko ang sasakyan ng mga suspek sa C5 road extension at dito na raw inabot ng mga pulis. Sa kabilang banda, ang aktwal na engkwentro ay di na nakakuhanan ng CCTV. Patay ang tatlong suspek sa engwkwentro.

Pagbungad sa sasakyan ng mga suspek ikinagulat ng mga pulis na may bangkay sa loob ng sasakyan na nakabalot ng packaging tape at may placard na may nakasulat na katagang "tulak ako magnanakaw huwag tularan". Susuriin din daw ng pulisya ang sasakyan dahil sa kahina-hinala raw ang plaka nito na sulat kamay. May nakuha ring 9mm handgun, isang shot gun at isang caliber tertaine ang mga pulis sa mga suspek. Hanggang ngayon ay wala pa ring pagkakakilanlan ang pulisya sa pagkatao ng mga suspek at ang kanilang dinadalang bangkay. Iniimbistigahan na rin ang cellphone ng tatlong suspek at ang kapalitan nila ng mensahe.


Recent Posts

See All

© 2016 by "This Just In". Proudly created with Wix.com

Donate with PayPal

Also Featured In

    Like what you read? Donate now and help me provide fresh news and analysis for my readers   

bottom of page