Pamamahayag ng INC
- Regie Tuliao
- Aug 18, 2016
- 1 min read
Pamamahayag ng INC (Iglesia ni Cristo) sa buong mundo ay pinangunahan ng kanilang ministro na si EDUARDO V. MANALO (Executive Minister) na mula sa angkan na nagtatag sa relihiyong INC na si Felix Manalo. Ginanap ang pagpapahayag sa Philippine Arena dahil ito ang sentro ng kanilang Pamamahayag noong Ika- 27 ng Hulyo 2016, dahil base sa kanilang paniniwala, ito ang pagsapit ng kaarawan ng kanilang Sugo at ito rin ang araw ng kanilang Anibersaryo. Ang Pamamahayag ng Iglesia ni Cristo ay upang lumaganap ang mga aral ng Diyos. Inaanyayahan ang mga tao na pumunta sa kanilang Pamamahayag upang makumbinsi sila na umanib sa relihiyong Iglesia ni Cristo (INC). At pagtapos na ang kanilang Pamamahayag ay may kasunod na tinatawag nilang bitbit na may lamang delata, bigas at noodles na ipinamimigay upang magpasalamat at makatulong sa mga taong dumating sa Anibersaryo ng Iglesia ni Cristo.
Recent Posts
See AllIn 7,312 examinees that took the Psychometrician Licensure Examination, 3,690 passed. The Professional Regulation Commission or PRC...
Nagbigay ng mga high-tech at mga mamahaling equipment ang U.S Embassy sa Pilippine National Police. Makakatulong daw ang mga ito para...