Thank you love Guru ^_^
Gerald Lim: Love Guru thank you so much sa payo mo, natulungan talaga ako sobra ang dami kong natutunan, pero love guru may other question ako tungkol sa relationship namin ng girlfriend ko, Nung mag 1 year na kasi kami love guru sinabi niya sa akin na may nakauna na pala sa kania bago ako, hanggang ngayon po love guru medyo may dating parin sa akin yun, syempre di mo naman maalis na lalake ako, paminsan pag tinitignan ko siya bigla nalang dumadating sa akin yun sympre nasasaktan ako, pero wala eh mahal ko siya, ano po ba dapat kong gawin para totally mawala na sa akin yung ganung sakit? Salamat Love guru sana matulungan mo ako.
Hello again, Gerald.
Maraming salamat sa pagtatanong mo ulit. Paano mawawala ang sakit tuwing naaalala mo yon? Simple lang, huwag mong isipin, dahil kung lagi mong iisipin lalo ka lang mababother. Tiyaka hindi naman love story ng ex niya ang ginagawa mo, kundi love story niyong dalawa, kaya huwag ka na mag-isip ng mga ganon bagay, ganyan talaga e. Ano pa ba magagawa mo? Hindi muna maibabalik yon. Learn to accept things, sabi nga nila, because, that acceptance will lead to a peaceful relationship with each other. Dapat magtulungan kayong hilumin ang inyong mga sugat upang walang maiwan sa inyong dalawa. Feeling ko kaya naiisip mo yon dahil may insecurities ka dahil sa 1st problem you sent to me. Clear your mind! FOCUS! Huwag magpa-distract sa paligid. Maraming salamat sa pag sesend mo ulit sa akin. Sana mawala na insecurities mo sa ex niya. THANK YOU and GOD BLESS! :)