top of page

LOVE GURU, PLEASE HELP ME.


Kang Moyeon: Sinasabi na nga po ng iba wag na akong umasa, pero umasa parin ako. Bandang huli, ako yung nasaktan. Paano po ba mag move on? Ang hirap po kasi at sawang sawa na po ako. Lalo na yung taong gusto mo eh hindi ka naman kilala. Help me po. Huhuhu.

Dear Kang Moyeon,

Alam mo ang mabuti mong gawin ay pagtuunan mo na lang muna ng pansin ang iyong pag-aaral o ang iyong future, ang crush mo ay gawin mong inspirasyon sa lahat ng gagawin mo. Masakit man isipin na hindi ka kilala ng iyong crush pero kailangan mo muna ituon sa iba ang iyong pagmamahal sa kanya. Tulad ng ibuhos mo ang iyong pagmamahal sa Magulang mo, Friends at sa mga taong nakapaligid sayo. Tinatanong mo paano mag move on? Simple lang, gawin mo busy ang sarili mo upang hindi mo siya laging naiisip, ibigay mo ang best mo sa lahat ng gagawin mo. Pero tandaan: Huwag ka muna magmadali sa mga bagay bagay upang hindi ka mapahamak. GO GIRL! BE STRONG and MAKE YOUR GOALS! Sana makatulong ito sayo upang maliwanagan ka. :)

bottom of page